Home NATIONWIDE 18-anyos na miyembro ng NPA, arestado sa Quezon

18-anyos na miyembro ng NPA, arestado sa Quezon

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang miyembro ng New People’s Army (NPA) na wanted sa attempted murder at arson sa Barangay Comon, General Nakar, Quezon nitong Biyernes ng umaga, Agosto 9.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Banini de la Cruz, 18, alyas Gea, residente ng Barangay Lumutan, General Nakar, Quezon.

Si De la Cruz ay pinangalanan sa Periodic Status Report Listed (PSRL) at miyembro ng Platun Julian, Kilusang Larangan Gerilya (KLG)-Narciso, Sub-Regional Military Area 4-A, Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC).

Inaresto ang suspek sa warrants of arrest na may petsang Setyembre 2, 2021 na inisyu ni Judge Marylou Meneses, acting judge, Regional Trial Court Branch 65, Infanta, Quezon.

May pyansang P120,000 at P72,000 ang suspek dahil sa kasong attempted murder at arson.

Si De la Cruz ang No. 9 most wanted person sa provincial level sa Quezon. RNT/JGC