MANILA, Philippines – Patay ang isang babaeng estudyante nang mahulog sa gusali ng isang unibersidad sa Ermita, Maynila.
Sa kuha ng CCTV, sapul ang pagkahulog ng biktimang 23-anyos mula sa Quezon City sa ika-apat na palapag ng CIE Building ng Technological University of the Philippines (TUP).
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), batay sa salaysay ng lady guard ng unibersidad, nakarinig na lamang ito ng malakas na kalabog na mula sa itaas bandang alas-9:23 ng umaga noong Biyernes.
Dito na siya naalarma at sinuri ang pinanggalingan ng kalabog kung saan dito niya nadiskubre ang nakahandusay na katawan ng estudyante.
Agad naalarma at iniradyo sa kanyang kasamahan, at himpilan ng police ang pangyayari at isinugod sa Manila Doctors Hospital ngunit idineklarang wala nang buhay.
Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden