Home METRO Stude tumalon sa LRT Central Station, patay!

Stude tumalon sa LRT Central Station, patay!

MANILA, Philippines – Patay ang isang estudyanteng lalaki matapos umanong tumalon sa riles ng LRT Central Station Lunes ng umaga, Abril 8.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, hindi pa batid ang pagkakakilanlan ng estudyante mula sa Lyceum of the Philippines University na taga-San Jose Del Monte, Bulacan.

Gayunpaman, nagpapatuloy ang kumpirmasyon sa iba pang detalye sa pagkakilanlan ng biktima.

Ang estudyante ay tumalon sa northbound line ng LRT Central Station alas 9:14 ng umaga.

Nakatanggap umano ang Lawton PCP ng tawag mula sa Station Base kaya agad itong tinugunan sa lokasyon.

Pagsapit sa lugar, hindi na inabot ng pulisya ang biktima dahil naisugod na ito ng Acting Head Security sa PGH. Jocelyn Tabangcura-Domenden