QUEZON PROVINCE — Matapos ang matagumpay na kampanya sa Lucena City, mainit na tinanggap ni House Deputy Speaker at Quezon 2nd District Representative David “Jay-Jay” Suarez si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., sa pagbabalik nito sa senado sa darating na Eleksyon 2025.
Bilang Treasurer ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), ipinahayag ni Suarez ang kanyang buong suporta kay Revilla, na siyang Chairman ng partido.







