Home NATIONWIDE Subpoena para sa tech editor na sangkot sa hacking pinaplantsa na ng...

Subpoena para sa tech editor na sangkot sa hacking pinaplantsa na ng NBI

107
0

MANILA, Philippines- Inihahanda na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena para sa Manila Bulletin tech editor na si Art Samaniego para sa umano’y pagiging mastermind nito sa kamakailang insidente ng hacking na kinasasangkutan ng pribadong kompanya at government websites.

Sinabi ni NBI deputy spokesperson Sean Michael Dangilan sa Teleradyo Serbisyo na ang subpoena ay base sa pag-amin ng naarestong suspek na isang IT officer ng media outlet– sinabing batay sa kautusan ni Samaniego ang kanyang mga hina-hack.

Layunin ng subpoena na imbestigahan ang alegasyon laban kay Samaniego na kanya ring hinimok na personal na lumutang sa NBI upang ipaliwanag ang kanyang panig.

Noong Biyernes, inaresto ng NBI ang IT officer ng Manila Bulletin na umano’y nang-hack sa websites ng militar, National Security Council at ilan pang mga bangko.

Ayon sa IT officer, ilan sa mg na-hack na websites ay base sa kautusan ni Samaniego para umano magamit nito sa kanyang content sa kanyang kolum at social media platforms.

Mariin namang itinanggi ni Samaniego ang paratang. Siya ay Senior Technology Officer ng Manila Bulletin Publishing Corp.

Giit ni Samaniego, matagal na siyang katuwang ng government agencies sa cybersecurity. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here