Home NATIONWIDE Indonesia Coast Guard, PCG sanib-pwersa vs maritime challenges

Indonesia Coast Guard, PCG sanib-pwersa vs maritime challenges

MANILA, Philippines- Nakipag-ugnayan na rin ang Indonesian Coast Guard (BAKAMLA) sa talakayan sa Philippine Coast Guard (PCG) upang maghanap ng mga paran para sa pakikipagtulungan sa laranagan ng magkasanib na pagsasanay upang matugunan ang maritime challenges.

Ang mga delegado mula sa BAKAMLA na pinangunahan ni First Adm. Mustari, director of the seas operation, ay binigyan ng briefing sa mga programa ng PCG para sa mga opisyal at hindi opisyal nang bumisita sila sa bansa mula Hunyo 19 hanggang 20.

Nakipagpulong ang delegasyon ng Indonesia kay PCG Comandant Adm. Ronnie Gil Gavan at PCG Deputy Commandant for Operations Vice Adm. Rolando Lizor Punzala Jr.

Sa kanilang pagbisita, binigyang-diin ng dalawang ahensya ang pagpapalitan ng kaalaman at pinakamahusay na kagawian bilang mahalaga sa pagpapahusay ng kanilang mga kakayahan at pagtugon sa mga hamon sa maritime security.

Nakatuon ang mga talakayan sa pagtukoy sa mga pagkakataon para sa joint initiatives at pagpapalakas ng bilateral maritime cooperation, sinabi ni PCG spokesperson Rear Adm. Armando Balilo.

Natutunan ng mga delegado ang tungkol sa functional commands ng PCG na saklaw ang maritime safety, maritime security at law enforcement at maritime environmental protection gayundin ang capacity-building programs na natanggap ng PCG.

Binigyang-diin ni Gavan ang mahalagang papel ng PCG sa pagpapanatili ng kapayapan at pagtataguyod ng kaayusan na nakabatay sa mga patakaran sa rehiyon.

Kumpiyansa rin ang opisyal para sa mabilis na pagtatapos ng binagong Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng PCG at BAKAMLA sa maritime security cooperation.

Binigyang-diin ng PCG ang kahalagahan ng pagtatatag ng mga karaniwang protocol at pamamaraan para sa mga miyembrong estado ng ASEAN Coast Guard Forum (ACF) partikular na ang Southeast Asia Protocols for Engagement at Sea sa pagitan ng Coast Guard at iba pang Maritime Law Enforcement Agencies (SEA-PEACE).

Layon ng SEA-PEACE na itatag ang karaniwang alituntunin para sa mga engkwentro sa dagat sa mga ASEAN Coast Guard.

Samantala, binisita rin ng delegasyon ang ilang pasilidad ng PCG tulad ng Fleet Education Training Development Institute sa Balagtas, Bulacan at ang capital ship ng PCG, ang BRP Melchora Aquino (MRRV 9702). Jocelyn Tabangcura-Domenden