MANILA, Philippines – Umakyat na sa 15 ang bilang ng mga OFW na nasugatan sa lindol kamakailan sa Taiwan, ayon sa mga awtoridad ng Pilipinas.
Sinabi ni Department of Migrant Workers OIC Hans Leo Cacdac na ang ahensya at ang Manila Economic and Cultural Office ay nagpaabot kamakailan ng tulong sa mga apektadong migranteng manggagawa, na pawang nagtamo ng minor injuries.
“Labinlima, all with minor injuries and all out of harm’s way, all out of hospital kaya’t sa kani-kanilang mga lugar na sila, mga dormitoryo at iba pang lugar na napuntahan sila at nabigyan ng ayuda,” ani Cacdac sa isang televised briefing.
Kinansela ng Pilipinas ang tsunami warning matapos ang lindol sa Taiwan
Sinabi ni Cacdac na karamihan sa mga apektadong OFW ay nasa Hualien sa hilagang-silangan seaboard ng Taiwan na naging sentro ng lindol, habang ang ilan ay nasa katabing county na tinatawag na Yilan.
“And rest assured, we’re monitoring their situation until, of course, malaman na natin lahat ng mga nangyari ng tulong. Mismong sa Hualien iyan eh, nagtungo iyong ating team, iyong epicenter, at doon namahagi ng assistance,” ayon pa sa opisyal. RNT