MANILA, Philippines – Hindi idedeklara ng Commission on Elections (Comelec) ang Sulu bilang areas of concern kasunod ng pananambang sa isang poll election officer nitong Sabado, Disyembre 21.
Sinabi ni Comelec George Garcia na sa isang insidente ng karahasan ay hindi dapat gawing basehan para sabihin na ang probinsya ay dapat ilagay sa tinatawag na Comelec control o area of concern.
“Ang Sulu at this point is not a candidate for area of concern o ilagay siya sa Comelec control,” ani Garcia.
Sabado ng umaga nang tambangan ang sasakyan ng Sulu Provincial Election Supervisor na si Julie Vidzfar sa Zamboanga City.
Bagamat hindi nasugatan si Vidzfar, ang kanyang kapatid ay nabaril at namatay sa insidente.
Noong Linggo, sinabi ni Garcia na ang pamamaril ay posibleng isaalang-alang bilang poll-related violence.
Kinondena rin Garcia ang insidente at sinabi na si Vidzfar ay target dahil sa pagtanggi sa ilang kahilingan ng umano’y mga pulitiko tulad ng pagbabago ng venue ng polling precincts sa probinsya.
Binigyang-diin ni Garcia na hindi tatanggalin ang PES sapagkat parang ipinapakita na duwag ang Comelec at tagumpay ang pananambang na nangyari. Jocelyn Tabangcura-Domenden