PAMPANGA, Philippines – Umabot na sa 25 ang bilang ng mga nasawi sa pagbagsak ng isang nine-story building na kasalukuyang itinatayo sa Barangay Balibago, Angeles City, ayon sa ulat.
Batay sa pinakahuling impormasyon, patuloy na nadaragdagan ang mga nakukuhang bangkay mula sa gumuhong istruktura habang nagpapatuloy ang retrieval operations ng mga awtoridad.
Ang insidente ay nangyari noong Mayo 24, 2026, at agad na nagdulot ng malawakang search and rescue operation kung saan dose-dosenang katao ang nauna nang nailigtas at dinala sa ospital.
Ayon sa mga ulat, ang gusali ay gumuho habang nasa finishing stages ng konstruksyon, dahilan para ma-trap ang maraming construction workers sa loob.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak, kabilang ang posibleng paglabag sa building standards at safety regulations.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang retrieval at clearing operations habang inaasahan ang posibleng karagdagang update sa mga susunod na araw. RNT/MND