Home METRO 5 pasahero ng traysikel dedbol matapos mabundol ng SUV sa Batangas

5 pasahero ng traysikel dedbol matapos mabundol ng SUV sa Batangas

112
0

BATANGAS, Philippines – Lima ang naiulat na dead on arrival sa hospital, samantalang tatlo ang sugatan sa aksidenteng banggaan ng dalawang sasakyan, kahapon kabilang ang SUV, tricycle at nadamay ang coaster bus, kahapon sa kahabaan ng National Highway Barangay Abung, San Juan, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang limang nasawi sa mga alyas na Shaina, Elvira, Diana, John, at isang hindi pa nakikilalang babae, samantalang kasalukuyang ginagamot ang tatlong sugatan kabilang ang dalawang taon gulang na si Nathan, Irene at isang hindi pa nakikilalang babae.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng San Juan Police Station sa pinangyarihan ng aksidente, dakong alas- 2:05 ng hapon habang kapwa tinatahak ang patungong South Bound nang  Honda Mobilio SUV na may plakang Daz – 6653 na minamaneho ni alyas Maria 66, may-asawa, naninirahan sa Barangay Subukin San Juan, Batangas at Coaster Bus na may plate number na NKO- 8847 na minamaneho ni Rogel Rosales Cerilla, 50, may-asawa , nakatira sa 17th 8th, Brgy. North Signal Village, Z1, Taguig City, NCR.

Samantalang patungo ang tricycle na  Kawasaki Barako II na may plakang D7922U sa North Bound na minamaneho ni alyas Arjay 36, ng Barangay Buhay na Sapa San Juan, Batangas.

Napag- alaman na, ang Honda Mobilio SUV na patungong South Bound nang  , aksidenteng  mabangga  ang paparating na tricycle Kawasaki Barako II na nasa kaliwang linya na tinatahak ang North Bound na humantong sa pagkawasak ng sasakyan at pagkasawi ng limang pasahero nito, kung saan aksidente umanong nadamay ang Coaster Bus.

Nabatid sa ulat na idineklang dead on arrival sa hospital ang limang  pasahero at tatlo pa ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Dan Juan District Hospital  at San Juan Doctors Hospital kabilang ang dalawang taong gulang na batang lalaki.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na insidente, samantalang kaagad na inaresto ang driver ng SUV. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here