Home NATIONWIDE “Free to be Hue” mural sa QC, inilunsad ngayong Pride month

“Free to be Hue” mural sa QC, inilunsad ngayong Pride month

56
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Joy Belmonte at mga opisyal ng Araneta Center ang unveiling ceremony ng “Free to be Hue” mural ng Araneta City noong Hunyo 2, 2026 sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Ang mural ay inilunsad bilang simula ng pagdiriwang ng Pride Month at nagsisilbing simbolikong pahayag ng Araneta City ng kanilang suporta sa inclusivity, acceptance, at self-expression.

Bilang pangunahing bahagi ng Pride campaign ng Araneta City ngayong taon, layunin ng “Free to be Hue” na ipagdiwang ang pagiging natatangi ng bawat indibidwal sa iba’t ibang kulay, bilang pagkilala at paggalang sa LGBTQIA+ community. DANNY QUERUBIN

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here