Home METRO Sundalo todas sa engkwentro sa mga ‘rebelde’

Sundalo todas sa engkwentro sa mga ‘rebelde’

MANILA, Philippines- Patay ang isang sundalo sa engkwentro kamakailan sa pagitan ng  pwersa ng gobyerno at hinihinalang grupo ng mga rebelde sa Bula, Camarines Sur.

Naganap ang sagupaan sa Barangay Lubgan kung saan nakalaban ng mga tropa ng pamahalaan ang nasa 10 hinihinalang rebelde kasunod ng mga ulat ng mga residente hinggil sa presensya ng grupo.

Base sa 9th Infantry Division (9ID) ng Philippine Army (PA), sangkot umano ang armadong grupo sa pangingikil sa lugar.

Hindi pa nakukumpirma ng mga awtoridad kung mayroong nasawi sa panig ng mga hinihinalang rebelde.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga natitirang miyembro ng hinihinalang rebel group upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad.

“Mariing kinokondena [ng Joint Task Force Bicolandia (JTFB)] ang mga atrocities na isinasagawa ng NPA o New People’s Army sa komunidad na talaga namang nagdudulot ng peligro at saka ng perwisyo doon sa lugar, kaya’t patuloy po ang aming misyon na makamit ang peaceful at insurgency-free na rehiyon,” giit ni Maj. Frank Roldan, Chief of the Division Public Affairs Office (DPAO), 9ID. RNT/SA