Home METRO Sundalo utas, 3 sugatan sa sagupaan sa OccMin

Sundalo utas, 3 sugatan sa sagupaan sa OccMin

119
0
via 68th Infantry "Kaagapay" Battalion, Philippine Army

OCCIDENTAL MINDORO, Philippines – Isang sundalo ng Philippine Army ang nasawi habang tatlo pa ang nasugatan matapos ang engkuwentro sa mga rebelde sa Occidental Mindoro noong Linggo.

Ayon kay Brig. Gen. Melencio Ragudo, naganap ang sagupaan sa Sitio Salafay, Barangay Monteclaro, San Jose sa pagitan ng 68th Infantry Battalion at tinatayang 25 rebelde.

Sa engkuwentro, isang sundalo ang nasawi at dalawa ang nasugatan. May isa ring babaeng rebelde ang nasugatan umano at naiwan ng kanyang mga kasamahan, at kalaunan ay dinala sa ospital ng mga sundalo para gamutin.

Patuloy ang operasyon ng militar sa lugar upang tugisin ang mga nakasagupang grupo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here