Home NATIONWIDE Energy security ng Pinas, pinalalakas sa gitna ng global oil crisis

Energy security ng Pinas, pinalalakas sa gitna ng global oil crisis

161
0

MANILA, Philippines – Pinalalakas ng gobyerno ang energy security sa kabila ng global oil volatility, habang sinisimulan na ng gobyerno at pribadong sektor na patatagin ang suplay.

Sa isang kalatas, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na “synergy of public-private efforts” na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay “bearing fruits” ngayon sa gitna ng krisis “not of our own making.”

Sinabi pa niya na tiniyak ng mga kompanya ng langis sa gobyerno ang matatag na suplay sa kabila ng global uncertainty.

Tinukoy nito ang commitment ng Petron na i-secure kapuwa ang traditional at alternative fuel sources, at maging ang pagdating ng Russian oil shipments.

Ang “oil diplomacy” ng gobyerno ay nagresulta ng pag-order ng kompanya ng 1.04 million barrels ng diesel, na may first batch na inaasahan ngayong linggo.

Gayundin ginarantiya ng Indonesia ng matatag ang suplay ng uling, palakasin ang energy reserves ng bansa.

Tinukoy din ni Recto ang developments sa Malampaya gas field, na may bagong balon na inaasahan sa last quarter ngayong taon.

Mapalalakas din nito ang long-term energy security ng bansa.

Idinagdag pa ni Recto na ang kamakailan lamang na pinagtibay na batas, pinahihintulutan ng Pangulo na suspendihin o bawasan ang excise taxes sa petroleum products na nagbibigay ng karagdagang tool para tugunan ang tumataas na fuel prices.

Dahil sa nadagdag na suplay, binigyang diin ni Recto na ang kaginhawaan ay mararamdaman na ng publiko.

Ang fuel discount programs ay pinalawig sa 250,000 public transport drivers.

Ang mga magsasaka at mangingisda ay nakatakdang tumanggap ng tulong para mapigilan ng fuel costs ang pagtaas ng presyo ng pagkain.

Magpapatupad din ang gobyerno demand-side measures sa pamamamgitan ng isang nationwide energy conservation program.

Sinabi pa ni Recto na naainspeksyon na ang mahigit sa 1,000 government offices para masiguro na masusunod ang pagbabawas ng paggamit ng elektrisidad.

Ang mga sasakyan ng gobyerno, maliban sa mga ginagamit para sa emergency at essential services, ay inilagay sa “strict gas diet.”

“The most valuable watt of electricity, or liter of gas, is the one not consumed,” ayon kay Recto.

“The shift to energy efficiency extends to major government events, including the upcoming Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit,” aniya pa rin.

Ang mga aktibidad ani Recto ay in- streamlined, na may kaunting diin sa “pomp and pageantry” at mas maraming problem-solving. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here