ILOCOS SUR- Hindi nakaligtas sa kalawit ni Kamatayan ang isang 29-anyos na sundalo matapos na sumemplang sa kalsada a minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Cuancabal, Cabugao ng lalawigang ito kagabi.
Kinilala ang driver ng kulay itim na Suzuki Raider na si PFC Frelyn Sunio Valencia, walang asawa, residente ng Brgy. Arnap, Cabugao, Ilocos Sur, miyembro ng Philippine Army na naka-assign sa Camp Tecson Military Base, San Miguel, Bulacan,
Nasa ospital naman ang angkas nitong 14-anyos na Grade 9 student, na kalugar ng biktima.
Nabatid na ang biktima at angkas nito ay bumibiyahe papuntang hilagang direksyon sa provincial road sa naturang lugar.
Pagdating sa pakurbang parte ng daan, ang driver ay nawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan hanggang sa sumemplang sa kalsada ang motorsiklo.
Dahil dito, ang driver at ang angkas nito ay parehong nagtamo ng serious injuries.
Ang dalawa ay agad na isinugod sa Pira Clinic and Hospital sa naturang bayan.
Gayunman, ang driver ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso