Home METRO Sunog sumiklab sa bigasan sa Tondo

Sunog sumiklab sa bigasan sa Tondo

1
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang commercial building na nagsisilbing bodega at bilihan ng bigas sa Dagupan Street, Tondo, Maynila, nitong Miyerkules, Nobyembre 18.

Ayon sa ilang residente, napansin na lamang nila ang makapal na itim na usok na lumalabas mula sa itaas na palapag ng Dagupan Center Building.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Manila at ilang fire truck upang apulahin ang sunog na umabot sa unang alarma.

Nagsagawa ng firefighting operations ang mga bumbero sa loob ng gusali upang mapigilan ang pagkalat ng apoy.

Samantala, nanghinayang ang ilang occupant sa mga sako ng bigas na nabasa ng tubig habang isinasagawa ang pag-apula sa sunog.

Pangamba nila, maaaring hindi na maibenta ang ilan sa mga nabasang bigas dahil sa posibleng pagkasira ng mga ito.

Patuloy namang iniimbestigahan ng BFP-Manila ang pinagmulan ng apoy.

Wala pang opisyal na impormasyon hinggil sa posibleng nasugatan o nasawi, gayundin sa kabuuang halaga ng pinsalang dulot ng insidente.

Nagsagawa rin ng mopping-up operations ang mga bumbero upang matiyak na wala nang natitirang apoy sa gusali.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here