Home NATIONWIDE Sunog sumiklab sa NGCP substation

Sunog sumiklab sa NGCP substation

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng sunog sa Hermosa substation ng National Grid Corporation (NGCP) sa probinsya ng Bataan nitong Sabado ng hapon, Agosto 3.

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Fire Protection-Hermosa Bataan at sa pahayag ng NGCP ay nagsimula ang sunog alas-4 ng hapon.

Sa inisyal na ulat, nagsimula ang sunog nang matamaan ang isang 69 kilovolt na linya ng kuryenteng pagmamay-ari at pinaaandar ng PENELCO.

“The cut power line, located outside the NGCP facility, landed on a non-technical structure within the substation, causing the fire,” ayon sa NGCP.

“The fire affected NGCP’s Hermosa-Calaguiman 69kV line, servicing 3 generation plants in Bataan,” dagdag pa nito.

Naibalik naman ang operasyon ng naturang substation.

“(The) Hermosa-Calaguiman 69kV line, which was affected by the fire, was restored at 6:52PM today, 03 August 2024…. All affected customers (3 generation plants) are now restored.”

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC