Home NATIONWIDE MT Terranova posibleng sangkot sa oil smuggling – DOJ

MT Terranova posibleng sangkot sa oil smuggling – DOJ

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Justice na iniimbestigahan nito ang lumubog na MT Terranova, na nagdulot ng oil spill sa Limay, Bataan, kung ito ba ay sangkot sa oil smuggling o paihi, kasama ang iba pang mga barko habang nasa dagat.

“May intelligence reports naman na ‘paihi’ system ang umiral. Tapos ‘yung isa pang tumaob na vessel, walang makina… Ginawa nilang tanker pero hinihila lang,” sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa panayam sa radyo.

Sa ilalim ng “paihi” system, inililipat ang langis mula sa malaking barko patungo sa mas maliliit na barko sa dagat para makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

Idinagdag ni Remulla na iimbestigahan din nila ang Philippine Coast Guard na dapat ay nalalaman ang bawat galaw maging ng MT Terranova.

Para naman sa PCG, sinabi nito na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon.

“We assure everybody that a full investigation will proceed after the oil has been cleared from the site. The assurance also is we will impose appropriate sanctions to our people if they are found after investigation to be involved in this. But for now, we are focused on our mission, which is to prevent the oil spill,” ani PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan. RNT/JGC