Home METRO Sunog sumiklab sa residential area sa Manila, Parañaque

Sunog sumiklab sa residential area sa Manila, Parañaque

MANILA, Philippines – Sumiklab ang dalawang magkahiwalay na insidente ng sunog sa residential areas sa Tondo, Maynila at Brgy. San Dionisio, Parañaque nitong Miyerkules, Abril 10.

Sa ulat, sumiklab ang sunog sa residential area sa Barangay 135, Balut, Tondo, nitong umaga ng Miyerkules.

Nagsimula ang sunog alas-8 ng umaga at umabot sa unang alarma pagsapit ng 8:24 ng umaga.

Idineklarang fire under control bandang 9:04 ng umaga at tuluyang naapula ang sunog 9:12 ng umaga.

Walang naitalang nasaktan o nasawi sa sunog.

Samantala, sumiklab naman ang sunog sa Paranaque bandang ala-1 ng hapon at umabot sa unang alarma, 1:20 ng hapon.

Umabot pa sa ikatlong alarma ang sunog 1:39 ng hapon at idineklarang fire under control ng 2:34 ng hapon.

Wala ring nasaktan sa sunog. RNT/JGC