MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa UP Diliman sa Brgy. UP Campus kaninang umaga Enero 27, 2025.
Ayon kay QC Bureau of Fire Protection (BFP) chief Col. Flor Ian Guerrero, naganap ang sunog sa isang residential area ng Pook. Dagohoy, Brgy. UP Campus, QC.
Sinabi pa ni Col. Guerrero iniulat ang 1st Alarm ng sunog dakong 9:03 ng umaga.
Nabatid pa sa QC-BFP chief na dakong 9:20 ng umaga itinaas sa 2nd alarm ang sunog.
Habang sinusulat ang balita ay inaalam pa ng arson investigator ng BFP ang bilang ng mga residente na apektado ng sunog at ang halaga ng pinsala. Santi Celario