Home METRO Sunog sumiklab sa tren ng PNR

Sunog sumiklab sa tren ng PNR

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang tren ng Philippine National Railways nitong hapon ng Miyerkules, Nobyembre 1.

Ayon sa report, ang sunog ay naganap nang dumating ang tren sa 10th Avenue Station sa Barangay 9, Caloocan City.

Umabot sa unang alarma ang sunog ngunit idineklara ring fire out makalipas ang 12 minuto, sinabi ng Bureau of Fire Protection National Capital Region.

Isinasagawa na ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

Wala pang pahayag ang PNR at Department of Transportation kaugnay nito. RNT/JGC

Previous articleMga bumisita sa Manila South Cemetery, halos kalahating milyon
Next articleJapanese PM Kishida bibisita sa Pilipinas, dadalo sa joint session ng Kongreso