Home HOME BANNER STORY Mga bumisita sa Manila South Cemetery, halos kalahating milyon

Mga bumisita sa Manila South Cemetery, halos kalahating milyon

MANILA, Philippines – Umabot ng halos kalahating milyon na ang mga indibidwal na bumisita sa Manila South Cemetery.

Sa ulat ng Manila Public Information Office, nitong Miyerkules, Nobyembre 1 lamang ay naitala ang 450,000 katao na nagtungo sa nasabing sementeryo.

Bukod pa ito sa nasa 6,850 katao na nauna nang dumalaw sa Manila South Cemetery noong Oktubre 29, 10,745 noong Oktubre 30 at 23,000 na mga nagtungo noong Oktubre 31.

Samantala, nasa kabuuang 1,211,050 naman ang mga bumisita sa Manila North Cemetery mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 1.

Inaasahan naman na mas kakaunti na lamang ang mga bibisita sa mga sementeryo ngayong araw, Nobyembre 2 kumpara kahapon. RNT/JGC