Home METRO Sunog sumiklab sa Tuy, Batangas

Sunog sumiklab sa Tuy, Batangas

MANILA, Philippines – Sumiklab ang isang malaking sunog sa Tuy, Batangas nitong Biyernes, Mayo 16, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).

Nangyari ang sunog sa Barangay Ginhawa at inisyal na nirespondehan ng Bureau of Fire Protection, MDRRMO Tuy at MDRRMO Nasugbu.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nangyaring sunog at inaalam pa ang halaga ng pinsala sa ari-arian.

“Paalala sa lahat ng residente sa mga karatig na lugar: Maging alerto at handa sa posibleng paglikas. Iwasan ang paglapit sa lugar ng insidente upang hindi makasagabal sa operasyon,” saad sa pahayag ng MDRRMO. RNT/JGC