MANILA, Philippines – Kung susumahin ang naging resulta ng nakaraang eleksyon ay nagpapakita ito na “accountability” ang nais ng mga Filipino at tapos na ang “blind loyalty,” ayon kay House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Jude Acidre.
Ayon kay Acidre, sa 115 mambabatas na sumuporta sa inihaing impeachment laban kay Vice President Sara Duterte ay 100 sa mga ito ang nanalong muli.
Maging sa Mindanao na inaasahan ang backlash dahil kilalang balwarte ni VP Sara ay 36 sa 44 pro-impeachment congressmen ang nabotong muli.
“Just to set the record straight, these results dismantle the narrative that the impeachment was a political liability. What we’re seeing is a public that values courage over complicity. The people have drawn the line—and they stood with us,” pahayag ni Acidre.
Minaliit din ni Acidre ang batikos ni Navotas Rep Toby Tiangco na napuruhan ang administration senatorial candidates dahil sa impeachment process.
“With due respect to Rep. Tiangco, the numbers simply do not support that claim. The defeat of a few candidates cannot be pinned on a constitutional process that the people clearly understood—and endorsed,” paliwanag nito.
Umapela si Acidre sa mga kapwa mambabatas na iwasan na ang “blame games” at mas ituon ang focus sa trabaho ngayong tapos ba ang eleksyon.
“This is no time for finger-pointing. We were elected not to protect careers, but to uphold our duty. The people have spoken. And they have spoken in favor of accountability,”pagtatapos pa ni Acidre. Gail Mendoza