Home NATIONWIDE ‘Super flu’ ‘di dapat ikaalarma – DOH

‘Super flu’ ‘di dapat ikaalarma – DOH

190
0

MANILA, Philippines – Walang dapat ikalaarma sa kumakalat na ‘super flu’ sa ibang bansa pero hinihikayat ng Department of Health ang publiko na magpabakuna at sundin ang mga pag-iingat.

Nadiskubre ng Epidemiology Bureau ng Department of Health ang 17 kaso ng super flu sa Metro Manila mula Hulyo hanggang Agosto noong nakaraang taon, lahat ay nakarekober na.

Ayon sa DOH, wala pang naitalang kaso hanggang ngayon.

Sinabi ng DOH na karaniwang nawawala ang influenza nang kusa; pero ang mga may underlying medical conditions ay maaaring makaranas ng mas malalang sakit.

Hinikayat naman ang publiko na takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o nagsisneeze at magpabakuna.

Ang “super flu,” opisyal na tinatawag na subclade K, ay isang variant ng influenza A (H3N2).

Ang naturang sakit ay maaaring tumagal mula ilang araw hanggang dalawang linggo at maaaring magdulot ng mas matinding sintomas kaysa karaniwan.Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here