SINABI ng Sugar Regulatory Administration. (SRA) na inaasahang mananatiling stable ang presyo ng local na asukal at tiniyak na sapat ang domestic supply hanggang sa ikalawang quarter ng 2025 iniulat nitong Miyerkules (Setyembre 4).
“Dahil sapat at stable ang supply po, ipinakita ng mga presyo na medyo stable ang retail price natin at mababa po,” sinabi ni SRA chief Pablo Luis Azcona sa panayam.
Nitong Miyerkules, ang presyo ng refined sugar sa Metro Manila ay mula PHP74 kada kilo hanggang PHP95/kg; PHP68/kg hanggang PHP90/kg para sa hugasan na asukal; at PHP65/kg hanggang PHP90/kg para sa brown sugar.
“So far, based doon sa estimates natin sa crop , actual stock on hand and iyong imports natin na arriving, sapat po yung supply natin siguro hanggang pagtatapos ng paggiling sa Mayo o Hunyo 2025,” sabi ni Azcona.
“Iyong supply po natin sa sugar, it’s been stable the whole 2023-2024 crop year and ready na din po tayo for 2024-2025.”
Kaugnay nito para sa pag-aangkat ng asukal, naunang sinabi ng SRA na humigit-kumulang 240,000 MT ng refined sugar ang inaasahang darating upang mapanatili ang matatag na buffer stock at mga retail na presyo, at masakop ang agwat bago ang panahon ng paggiling sa Oktubre.
Sinabi pa ng SRA na ang produksyon ng asukal para sa taon ng pananim 2024-2025 mula Setyembre 1 hanggang Agosto 31, 2025, na tinatayang nasa 1.78 milyong metriko tonelada (MT), samantala, ilalaan para sa domestic use ayon sa Sugar Order No. 1.
Ang nasabing tinantyang output, gayunpaman, ay nagdudulot ng bahagyang pag-urong mula sa 1.92 milyong MT na produksyon noong taon ng pananim 2023-2024.
“Iyong pagsisikap ng SRA sa ngayon, na siyang mandato ng ating DA (Department of Agriculture) Secretary at ng ating administrasyon, ay kasalukuyang pagbutihin ang supply para hindi na tayo umaasa sa imported na asukal,” Sabi ni Azcona. (Santi Celario)