Home HOME BANNER STORY Suplay ng gulay sapat – DA

Suplay ng gulay sapat – DA

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na mayroong matatag na suplay ng mga gulay sa kabila ng pinsalang dulot ng Bagyong Aghon.

Sa isang ambush interview, sinabi ni DA Assistant Secretary for Operations U-Nichols Manalo na mahigpit ding nagsasagawa ng monitoring upang maprotektahan ang mga mamimili mula sa mga walang prinsipyong vendor.

“Sa tingin ko okay pa naman ang supply sa merkado. Iyon nga lang ang babantayan natin iyong mga nagsasamantala kapag ganitong panahon” sinabi ni Manalo.

“We have daily monitoring in our regional field offices in our major markets. Dito sa Manila, alam natin na halos tuwing umaga, meron tayong price monitoring,” dagdag pa ni Manalo.

Sinabi niya na ang DA ay hindi pa nakakatanggap ng anumang ulat ng pagkaantala sa transportasyon ng mga gulay, kaya “ang mga pagsasaayos ng presyo ay hindi dapat magsasangkot ng higit sa P5 na pagtaas.”

“Wala kaming nakikitang challenge in terms of the prices. Ang medyo may challenge in terms of the supply ay ang lowland kasi nga tapos na iyong peak ng harvesting,” dagdag niya. (Santi Celario)