Home METRO Parak, 1 pa tigok sa salpukan ng 2 SUV

Parak, 1 pa tigok sa salpukan ng 2 SUV

TUMAUINI, Isabela – Patay ang isang babaeng pulis at isa pang mister matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong sasakyan sa bahagi ng bypass road Brgy. San Mateo, Tumauini, Isabela, kagabi.

Kinilala ang nasawing pulis na si Pat Agnes Quizzagan, 27-anyos, walang asawa, residente ng Brgy. Bugatay, Peñablanca, Cagayan at kasalukuyang nakadestino sa San Guillermo Police Station at minamaneho nito ang kanyang kotse.

Habang kinilala naman ang driver ng Innova na si Arvin Talosig, residente ng Cauayan City, Isabela.

Sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng dalawang behikulo ang magkasalungat na direksyon at pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla na lamang nagsalpukan ang dalawa.

Bilang resulta, na-trapped sa loob ng kanyang sasakyan si Quizzagan at nagtamo ng malalang sugat sa katawan habang minor injury naman ang natamo ni Talosig.

Agad na dinala sa pagamutan ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival si Quizzagan.

Samantala, dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang behikulong sangkot sa insidente para sa karagdagang imbestigasyon at kaukulang dukomentasyon. Rey Velasco