Home METRO 2 most-wanted na rapist sa QC, arestado

2 most-wanted na rapist sa QC, arestado

ARESTADO ang dalawang suspek sa panggagahasa na tinaguriang most wanted persons (MWPs) sa Quezon City matapos madakip sa magkahiwalay na operasyon noong Lunes, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Martes.

Sa isang pahayag, sinabi ni QCPD Director Brig. Gen. Redrico Maranan na ang 31-anyos na si Randy Baloncio, na tinaguriang umano’y No. 4 station-level MWP, ay naaresto sa isang operasyon ng mga miyembro ng Talipapa Police Station (PS 3) malapit sa isang mall sa Barangay Pag-asa, Quezon Lungsod bandang alas-10 ng umaga.

Nabatid na si Baloncio ay may standing arrest warrant para sa panggagahasa at rape by sexual assault na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 102.

Samantala, arestado naman ang 53-anyos na si Danilo De Vera sa operasyon ng mga tauhan ng Payatas Bagong Silang Police Station sa Zone 4, Barangay Beberon, San Fernando, lalawigan ng Camarines Sur dakong alas-6:30 ng gabi.

Sinab sa ulat na si De Vera, na tinaguriang No. 2 MWP ng Payatas Bagong Silangan Police Station, ay mayroong standing warrant of arrest para sa qualified rape na inisyu ng Quezon City RTC Branch 106.

Sinabi ni Maranan na ang mga naarestong suspek ay ibibigay sa mga korte para sa kaukulang disposisyon. Santi Celario