Home NATIONWIDE Barangay tanod patay sa harurot ng van

Barangay tanod patay sa harurot ng van

ROXAS, Palawan-BASAG ang bungo ng isang barangay tanod matapos mahagip ng humaharurot na van makaraan makabanggaan nito ang motorsiklo, nitong umaga sa bayang ito.

Kinilala ang biktimang si Ronald Rondina, 38-anyos, tanod at residente ng Brgy. Caramay, Roxas Palawan.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng pampasaherong van na si Jamir Javarez, 28-anyos residente taga Puerto Princesa, Palawan.

Batay sa report ng Roxas Municipal Police Station, bandang 6:00 AM ng maganap ang insidente sa national highway na sakop ng Barangay Tagumpay Roxas, Palawan

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang Rusi na motorsiklo ng makasagian nito ang isang motorsiklo na minamaneho naman ni Pio Viray, 39-anyos, driver Smash na motorsiklo at kapwa natumba ang mga ito.

Mabilis naman nakatayo si Viray at tinulungan pa nito si Rondina na hilahin sa tabing kalsada subalit mabilis na humaharurot ang van na minamaneho ni Javarez dahilan para mahagip nito ang huli at tumama ang ulo sa sementadong kalsada.

Rumesponde naman ang mga awtoridad lugar ng pinangyarihan ng insidente at dinala sa ospital ang biktima subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ng pulisya at inihanda na ang kasong isasampa laban sa suspek./Mary Anne Sapico