Home METRO MPD handa na sa pagpasok ng La Niña

MPD handa na sa pagpasok ng La Niña

MANILA, Philippines – Nagpakita ng kahandaan ang pumunuan ng Manila Police District (MPD) lalo na para sa nagbabadyang La Niña o panahon ng tag-ulan sa bansa sa pagpasok ng buwan ng Hunyo.

Ito ay makaraang pangunahan ni MPD Director Police Brig. General Arnold Thomas Ibay ang pag-iinspeksyon sa mga kagamitan na gagamitin sa rescue operations sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo, lindol sa lungsod ng Maynila .

Ipinakita ang paghahanda sa isinagawang Simultaneous Showdown Inspection ng PNP Disaster Response Equipment Capabilities sa buong Pilipinas .

Ilan lamang sa mga ininspeksyon na kagamitan ay tulad ng rescue boat, chainsaw, two-way radio , stretcher bukod sa iba pa.

Ayon sa MPD, papasok na Ang panahon ng tag-ulan at inaasahan na sunod-sunod na ang mga kalamidad kaya naman,puspusan na rin ang ginagawang paghahanda ng mga kapulisan para sa anumang pagtugun sa mga maapektuhan ng sakuna.

Ang lungsod ng Maynila ay karaniwang lubog sa baha at maraming mga residente Lalo sa bahagi ng Baseco at Delpan ang kinakailangan ililas dahil na rin sa mabilis na pagtaas ng tubig lalo pa’t malapit ito sa coastal area. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)