Home TOP STORIES Suporta ng Davao del Sur nakuha ni Pacquiao

Suporta ng Davao del Sur nakuha ni Pacquiao

Nakuha ni senatorial candidate Manny Pacquiao ang suporta ng Davao del Sur matapos siyang iendorso ni 1st District Representative John Tracy Cagas sa isang unity meeting sa Digos City.

Ayon kay Cagas, “Si Manny Pacquiao ay hindi lang kampeon sa ring, kundi kampeon ng masa.”

Ipinangako naman ni Pacquiao ang pagtutok sa imprastruktura, kabuhayan, at programa para sa kabataan sa lalawigan.

“Balik serbisyo tayo. Hindi ako nang-iiwan sa laban, lalo na para sa mga probinsya,” ani Pacquiao.

Lalong lumalakas ang suporta sa kanya sa Mindanao habang nagpapatuloy ang kanyang kampanya sa Senado. RNT