Home HOME BANNER STORY Suporta ng Pinoy na pagpapalakas sa military action sa WPS susundin ng...

Suporta ng Pinoy na pagpapalakas sa military action sa WPS susundin ng gobyerno

MANILA, Philippines – MALUGOD na tinanggap ng National Security Council (NSC) ang resulta ng kamakailan lamang na survey na nagpapakita ng suporta ng mga Filipino sa mas malakas na military action at diplomatic approach sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).

“Filipinos, are a people of peace but at the same time, we know how to stand up for what is right, and for what is ours. Heeding our people’s call, the Marcos Jr. Administration is determined to progressively build our defense capabilities to effectively deter any and every threat to our nation’s peace and security,”ayon kay National Security Adviser and NSC chair Eduardo Año sa isang kalatas.

Tinukoy ang resulta ng “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research para sa 1st quarter ng 2024, sinabi ni Año na nais ng 73% ng mga respondents na iprayoridad ng gobyerno ang military action kapag mayroong banta sa teritoryo at sovereign rights ng Pilipinas.

Samantala, 68% ng survey respondents ang sumusuporta naman sa nagpapatuloy na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maging mas may kakayahan ang mga ito na protektahan ang bansa laban sa pananalakay ng mga dayuhan.

“We thank the Filipino people for their support and they can be assured that, guided by the President, we will continue to assert our rights and push back against illegal, coercive, aggressive, and deception tactics,” dagdag na wika nito.

Tinanong kasi ng survey ang mga respondents ukol sa “measures that the Marcos Administration should prioritize to effectively address the issues related to the conflict in the West Philippine Sea.”

“The Philippine Government continues to push for peaceful, diplomatic means to resolve any dispute with other (countries). Simply put, war is not an instrument of our national policy. However, under international law, we have the inalienable right to defend our people, our territorial integrity, and sovereign rights,” ayon kay Año.

Base sa resulta ng survey, sinabi ng NSA na naiintindihan ng mga mamamayang filipino na “there can be no peace without security, and that there will be no security without peace.”

Binigyang diin din ni Año na ang military modernization sa Pilipinas ay hindi lamang para sa military defense purposes kundi para i- upgrade ang kahandaan nito at kakayahan na magsagawa ng humanitarian assistance at disaster response operations.

Umapela rin si Año sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na suportahan ang lahat ng programa para mapadali ang AFP modernization para pahintulutan ang Armed Forces na ganap na nakatuon sa territorial defense at tiyakin ang territorial integrity ng bansa.

“We hope that Congress will continue to allocate the necessary funds to implement Horizon III of the Armed Forces modernization program which is critical in the implementation of the Comprehensive Archipelagic Defense Concept recently approved by the President,” aniya pa rin. Kris Jose