MANILA, Philippines- Nanawagan si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo para sa Pilipinas na mabigyan ito ng non-permanent seat sa makapangyarihang United Nations Security Council para sa 2027 hanggang 2028 term.
Sa katunayan, ginamit ng Kalihim ang kanyang naging talumpati sa United Nations General Assembly para humingi ng suporta at mangampanya para sa isang seat sa UNSC para sa 2027 hanggang 2028 termino.
“As the first Asian Republic and a founding member of the United Nations, our diplomacy has consistently pursued peace, the sovereign equality of states, the rights and dignity of all persons,” ayon kay Manalo.
“The Philippines is a trusted partner, innovative pathfinder and committed peacemaker. We bring experience, depth, and steadfastness in working with the international community to address common global challenges,” dagdag niya.
Target ng Pilipinas na mabigyan ng posisyon para magkaroon ng malakas na boses sa pagdedesisyon sa mga usapin ng global security at iba pang isyu na may kinalaman sa Indo-Pacific region.
Nauna rito, sa ulat, ipinamalas ng navy at airforce ng Pilipinas, Amerika, Japan, Australia at New Zealand ang kanilang sanib-pwersang kakayahan sa pagtugon sa iba’t ibang senaryo sa dagat sa katatapos na Multilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea (WPS) sa hilagang Luzon nito lamang Sabado.
Sa katunayan, nagpadala ng mga dambuhalang barkong pandigma at air assets ang mga bisitang bansa.
Kabilang sa isinabak sa pagsasanay ang BRP Antonio Luna at BR Emilio Jacinto ng Philippine Navy at isang helicopter at isang search and rescue aircraft ng Phiippine Airforce.
Sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr., patunay ito sa pagsusulong ng mga kalahok na bansa sa “freedom of navigation at overflight” at iba pang legal na pagkilos sa dagat at iba pang airspace.
“This underscores our shared commitments to upholding the right to freedom of navigation and overflght, other lawful uses of the sea and international airspace, as well as respect for maritime rights under international law, as reflected in the UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon kay Brawner.
Iyon nga lamang, sa gitna ng pagsasanay ay namataan ng AFP ang mga barkong pangdigma ng People’s Liberation Army -Navy na bumuntot at lumapit sa mga kalahok na barko sa NMCA.
Tiniyak ni Brawner na hindi naman ito nanggulo sa kanilang aktibidad.
“The PLA Southern Theater Command on Saturday organized naval and air forces to conduct routine reconnaissance, early warning, and sea-air patrol exercises near the waters surrounding China’s Huangyan ISland,” ayon sa PLA Southern Theater Command.
“Certain individual external countries are stirring up trouble in the South China Sea, creating instability in the region,” ang sinabi pa nito.
Sa ulat, isa ang NMCA sa mga aktibidad ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa na may layuning isulong ang bukas at malayang rehiyon sa mapayapang paraan sa harap ng mga agresibong aksyon ng Tsina sa South China Sea.
Samantala, sinabi ni Manalo na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang soberanya, karapatan, at hurisdiksyon nito sa WPS. Kris Jose