Home NATIONWIDE Suporta sa Ukraine pinatatag ng Pinas sa ika-1,000 araw ng giyera

Suporta sa Ukraine pinatatag ng Pinas sa ika-1,000 araw ng giyera

Larawan mula sa PPA

MANILA, Philippines – MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta nito para sa Ukraine habang patuloy na sinasakop ng Russia ang Kyiv at umabot na ito sa 1,000 araw.

“Yesterday marked the 1,000th day since the war in Ukraine began,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa X (dating Twitter).

Inalala ni Pangulong Marcos ang kanyang naging pulong kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky noong Hunyo 3, kung saan inulit nito ang patuloy na suporta ng Pilipinas para sa soberanya, kalayaan pagkakaisa at territorial integrity.

“It is our hope that we will see comprehensive, just and lasting peace in Ukraine. Ukraine is our valued partner, and our relations continue to go from strength to strength,” dagdag na wika nito.

Sinabi ni Zelensky sa isang parliament session na hindi ikakalakal ng Ukraine ang soberanya nito o bitawan ang karapatan sa teritoryo nito.

Tinanggihan din niya ang pagdaraos ng bagong eleksyon hangga’t hindi nakakamit ang kapayapaan.

“At this stage of the war, it is being decided who will prevail—whether us over the enemy, or the enemy over us Ukrainians… and Europeans, and everyone in the world who wants to live freely and not be subject to a dictator,” ang sinabi ni Zelensky.

Itinakda ni Zelensky ang “resilience plan” para sa Ukraine bilang domestic foil sa “victory plan” na sinabi niya sa Western allies

“it was needed to force Russia to negotiate an end to the war in good faith,” ani Zelenskiy.

“Unity is the first point of our internal Resilience Plan,” aniya pa rin. Kris Jose