Home METRO Supplemental budget sa kontraktwal, JO ng Zambo Norte inapela ng gobernadora

Supplemental budget sa kontraktwal, JO ng Zambo Norte inapela ng gobernadora

MANILA, Philippines – PINADALHAN na ng sulat ni Zamboanga del Norte Gov. Rosalina ‘Nanay Nene’ Jalosjos ang kanilang Sangguniang Panlalawigan upang hilingin na aksyunan ang kanyang kahilingan na supplemental budget upang gamitin na pampasweldo sa mga contractual at job order na mga empleyado ng kanilang pamahalaang panlalawigan.

Ayon sa Gobernadora, matagal na umano nitong ipinadala sa Provincial Board ang panukalang supplemental budget para pondohan ang sweldo ng mga empleyado.

Nabatid pa na simula pa nitong buwan ng Oktubre hanggang ngayong buwan ng Disyembre ay hindi pa nakakasweldo ang mga contract of service (COS) at job order (JO) employees dahil sa kawalan ng sapat na pondo.

Dahil dito, pinangangambahan ni Gov. Jalosjos na posibleng maapektuhan ang operasyon ng lahat ng ahensya ng Provincial Government kung hindi mapapasweldo ng maayos ang mga empleyado.

Kabilang aniya sa maaaring maapektuhan ay ang operasyon ng Provincial Hospital at mga District hospital, at iba pang mga pagawaing bayan. RNT