Home NATIONWIDE Survey sa anti-Cha-cha majority, kinwestyon ng solon

Survey sa anti-Cha-cha majority, kinwestyon ng solon

MANILA, Philippines – Kinwestyon nina House Deputy Speaker David Suarez at Majority Floor Leader Manuel Dalipe ang pinakahuling survey ng Pulse Asia na nagpapakitang tatlo sa apat na Filipino ang tutol sa Charter change (Cha-cha).

Anang dalawang mambabatas, ang “biased and leading questions,” ay posible umanong nakaapekto sa resulta ng survey.

Isinagawa ang naturang survey mula Marso 6 hanggang 10 at inilabas nitong Miyerkules, Marso 27, na nagpakita na 72% ng mga respondent ay aware sa mga hakbang para amyendahan ang Konstitusyon, kung saan 88% ang nagsabing hindi dapat galawin ang Konstitusyon.

Sa nasabing bilang, 74% ang nagsabing ang Charter “should not be amended now nor any other time” habang 6% lamang ang nagsabing dapat na itong gawin sa kasalukuyang administrasyon.

Ang nalalabing 8% ay nagsabi na dapat ay gawin ito sa susunod na administrasyon.

Inilabas ang resulta makaraang aprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang Resolution of Both Houses No. 7 (RBH 7), na naglalayong pagaanin ang restriksyon sa foreign ownership sa public utilities, educational institutions, at advertising industry.

Kinwestyon ni Suarez ang “phrasing of the [survey] questions [which] seemed crafted to steer respondents toward a specific viewpoint on Charter amendments.”

Kabilang rito ang mga tanong tungkol sa pagpapalit ng kasalukuyang sistema sa federal government; term extension para sa national at local elective officials; pagpapalit ng presidential system sa isang parliamentary system ng pamahalaan; at paglipat mula sa bicameral patungong unicameral legislature. RNT/JGC

Previous article8 patay sa car bomb sa palengke sa Syria
Next articleWPS ‘countermeasures’ inilatag vs China – PBBM