Home METRO Suspek sa Kidapawan pawnshop heist, tukoy na ng PNP

Suspek sa Kidapawan pawnshop heist, tukoy na ng PNP

105
0

MANILA, Philippines – Tinutugis na ng pulisya ang ilang persons of interest kaugnay ng naganap na pagnanakaw sa isang pawnshop sa Kidapawan City nitong weekend, kung saan tinangay ng mga armado ang tinatayang P13 milyong halaga ng mga alahas, ayon sa awtoridad nitong Lunes.

Sinabi ni Lt. Col. Argie Celeste, hepe ng pulisya ng lungsod, na nagpapatuloy ang follow-up operations katuwang ang militar habang isinasagawa ang malawakang manhunt laban sa mga suspek sa pagnanakaw sa AV Pawnshop.

“The police follow-up operations are continuing with the help of the military. The suspects are now the subject of a relentless manhunt,” pahayag ni Celeste sa panayam.

Ayon kay Celeste, apat na lalaki ang nagsagawa ng holdup dakong alas-9 ng umaga noong Sabado, Abril 11. Dalawa sa kanila ang nagsilbing lookout at getaway motorcycle drivers.

Aniya, unang nilapitan ng mga suspek ang isang hindi naghihinalang security guard na naka-full uniform ngunit walang dalang baril.

“It was well planned. The suspects fled on board two motorcycles. We are pursuing them,” sabi ni Celeste, at idinagdag na nakuhanan ng ilang closed-circuit security cameras ang mukha ng mga suspek bago isinagawa ang pagnanakaw. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here