Home NATIONWIDE Suspek sa pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda, nadakip na

Suspek sa pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda, nadakip na

MANILA, Philippines – NAARESTO na kamakalawa ang pangunahing suspek sa pagpaslang kay Ruby Rose Barrameda, kapatid ng aktres na si Rochelle Barrameda, na naganap noong taong 2007.

Personal na kinilala ng aktres ang suspek na si Lope Jimenez, tiyuhin ng asawa ni Ruby Rose na si Manuel Jimenez III, na nadakip sa ibang kaso ng
kidnapping with homicide and carnapping.


Nabatid na nagpalit lang si Lope ng pangalan sa alyas na Victor Vidal Dueñas at James Paul Dwight.

Sa isang police report mula sa Quezon City Police District, naaresto nila ang isang ‘James Paul Dwight’ na itinuturong mastermind sa pagdukot at pagpaslang sa negosyanteng si William Pascaran Sr.

Positibo naman si Rochelle Barrameda na si Lope Jimenez ang naarestong suspek. RNT