Home NATIONWIDE Shear line, easterlies, Amihan magpapaulan sa ilang lugar

Shear line, easterlies, Amihan magpapaulan sa ilang lugar

MANILA, Philippines- Magdudulot ang shear line, easterlies, at ang Northeast Monsoon (Amihan) ng pag-ulan sa ilang lugar ngayong Lunes, ayon sa PAGASA sa weather forecast nito.

Makararanas ang Eastern Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, at Quezon ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Inaasahan naman sa Quezon, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, at Northern Samar ang “moderate to heavy rains.”

Asahan din sa Caraga at Davao Region ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa easterlies.

Magkakaroon ang Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, at Rizal ng maulap na kalangitan na sasabayan ng ulan dahil sa Amihan.

Nagbabadya sa natitirang bahagi ng Luzon ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon.

Magkakaroon naman ang natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.

Ang coastal waters ay magiging rough to very rough sa Northern Luzon at sa eastern sections ng Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas.

Iiral sa natitirang bahagi ng Luzon at Visayas ang “moderate to rough coastal waters,” at slight to moderate waters sa natitirang bahagi ng bansa.

Sumikat ang araw ng alas-6:25 ng umaga at lulubog ng alas-5:45 ng hapon. RNT/SA