Home METRO 3K parak ipakakalat ng MPD sa INC Peace Rally

3K parak ipakakalat ng MPD sa INC Peace Rally

MANILA, Philippines- Nagtalaga ng 3,000 pulis ang Manila Police District para sa gagawing aktibidad ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand Maynila ngayong araw.

Ayon kay MPD Spokesman Major Philipp Ines, titiyakin ng kapulisan na magiging payapa at maayos ang gagawing peace rally ng INC.

Sinabi ni Major Ines na hindi lamang sa Quirino Grandstand ang magiging area of concern ng MPD kundi sa iba pang lugar ng Maynila.

Nagpaalala naman ang MPD sa mga lalahok na sundin ang mga patakaran na ipatutupad ng organizers ng rally. Jocelyn Tabangcura-Domenden