Home METRO Suspek sa pagpatay sa SEA Games gold medalist, arestado sa Tarlac

Suspek sa pagpatay sa SEA Games gold medalist, arestado sa Tarlac

1
0

TARLAC, Philippines — Arestado nitong Martes sa Bamban, Tarlac, ang pangunahing suspek sa pagpatay noong 2025 kay Southeast Asian Games gold medalist Mervin Guarte.

Ayon kay Police Regional Office MIMAROPA director Brig. Gen. Christopher Dela Cruz, nadakip ang 35-anyos na suspek dakong alas-4 ng hapon sa Barangay Banaba.

Ipinatupad laban sa suspek ang warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas ni Calapan City Regional Trial Court Branch 40 Judge Charity Grace Alcantara-Rico.

Pinangunahan ng Regional Intelligence Division ng MIMAROPA police ang operasyon katuwang ang mga yunit ng pulisya sa Oriental Mindoro at Tarlac, Air Force at Naval Intelligence, at National Intelligence Coordinating Agency.

Si Guarte, isang miyembro ng Philippine Air Force, ay nasaksak at napatay noong Enero 7, 2025 habang natutulog sa bahay ng isang kaibigan sa Barangay Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro, matapos ang isang inuman.

Ang suspek, na residente rin ng Barangay Camilmil, ay nakalista bilang No. 4 most wanted person sa Oriental Mindoro.

Nagwagi si Guarte ng dalawang silver medal sa men’s 800-meter at 1,500-meter track events noong 2011 SEA Games.

Kalaunan ay lumipat siya sa obstacle racing, kung saan nanalo siya ng gold medal sa men’s 5-kilometer event noong 2019 SEA Games. Bahagi rin siya ng koponang nagkampeon sa men’s team relay noong 2023 SEA Games. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here