Home NATIONWIDE Suspended CHED official naghain ng graft complaint vs De Vera

Suspended CHED official naghain ng graft complaint vs De Vera

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamong graft and corruption ang suspended official ng Commission on Higher Education (CHED) laban kay Chairperson Prospero “Popoy” de Vera” III sa Ombudsman dahil sa umano’y paggawad ng supply contracts sa kompanyang kanyang pinapaboran.

Sa limang pahinang reklamo, inakusahan ni suspended CHED Commissioner Aldrin Darilag si De Vera na pumabor sa supplier na Aspen, at siya rin umano ay inatasan ng chairperson na suportahan ang kompanya kahit na ito ay hindi kwalipikado para sa supply contracts.

Inireklamo rin ni Darilag ng grave abuse of authority, harassment at oppression si De Vera sa hindi pagbibigay ng due process nang patawan siya ng Office of the President (OP) ng 90-day suspension noong Enero sa umano’y grave misconduct, neglect in the performance of duty at abuse of authority.

Hindi rin umano siya nakatanggap ng kopya ng reklamo laban sa kanya o binigyan ng tsansa na makapaghain ng counter affidavit.

Hindi rin umano siya pinayagang makapunta sa CHED at mahigpit na ininspeksyon pa ang kanyang mga staff bago makapasok sa establisyimento.

Sa pahayag, sinabi ni De Vera na “he did not know the specifics of the complaint, so it is difficult for me to respond in detail to his allegations.”

“But I would like to categorically state that I am not part of any Bids and Awards Committee (BAC) in CHED or in any state university and college and I am not in a position to manipulate procurement activities,” aniya.

Dagdag pa niya, “that any complaints of violation of bidding procedures must be addressed to, and resolved by the CHED commission en banc or the Board of Regents of individual SUCs.”

Noong Enero, inanunsyo ng CHED ang suspensyon ni Darilag batay sa kautusan ng OP.

Inatasan din ang komisyon na magsagawa ng fact-finding investigation upang matukoy kung dapat maghain ng pormal na reklamo laban sa opisyal.

Hindi naman tinukoy ng CHED kung ano ang dahilan ng suspensyon ngunit noong 2023, kinumpirma ni De Vera na nakatanggap siya ng reklamo kaugnay sa dalawa nitong commissioner, sina Darilag at Jo Mark Libre — sa umano’y hindi tamang paggamit ng public funds at pang-aabuso ng kapangyarihan.

Nauna na ring ipinag-utos ng Ombudsman ang dismissal ni Libre. RNT/JGC

Previous articleGrupo kalaboso sa paggamit sa pangalan ng First Lady sa robbery-extortion
Next articleDOTR, DICT naghahanda na sa Semana Santa