Home NATIONWIDE DOTR, DICT naghahanda na sa Semana Santa

DOTR, DICT naghahanda na sa Semana Santa

MANILA, Philippines – Naghahanda ang Department of Transportation-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) sa paparating na Semana Santa.

Sa pahayag, sinabi ng DOTR na nakipag-ugnayan ito sa Department of Information – Communications Technology-Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICT-CICC) at Scam Watch Pilipinas bago pa ang inaasahang dagsa ng mga pasahero.

Layon nitong tugunan ang pangangailangan sa mga terminal, pantalan at paliparan, at masiguro ang smooth traffic flow at ligtas na biyahe sa mga pasahero.

Kabilang sa preparasyon ay ang 24/7 monitoring ng EDSA Busway operations, hub at provincial bus terminals, tuloy-tuloy na anti-colorum operations, roadside checks, at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas-trapiko sa Metro Manila at kalapit na lugar.

“The aim of this initiative is to provide a safe and convenient journey for all travelers nationwide in accordance with the directive of DOTr Secretary Jaime Bautista,” saad sa pahayag.

Pumirma rin ang DOTr, DICT, Scam Watch, at iba pang ahensya ng memorandum of understanding para sa “Online Bantay Lakbay 2024,” na layong protektahan ang publiko mula sa online travel-related scams.

Binalaan ang mga ito laban sa mga sumusunod:

Fake Accommodation
Fake Wifi
Too-Good-to-be-True Deals
“Free” Vacation Trap
Fake Travel Agents
Overpriced Tours
Charity Cons
Counterfeit Cash
Hidden CCTVs
Colorum Vehicles
Selling Lost Luggage on FB
Fake SIMs
Fixer
Cheap airline tickets sa social media. RNT/JGC

Previous articleSuspended CHED official naghain ng graft complaint vs De Vera
Next articleDA may sapat na rice buffer stock sa El NiƱo