MANILA, Philippines – IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa mga local chief executive ang pagdedesisyon kung kakanselahin ang klase at/o sususpendihin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa gitna ng pananalasa ng bagyong Pepito.
Sa isang text message, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar B. Chavez na kinonsulta ng Malakanyang ang mga kaugnay na ahensiya ng pamahalaan at Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hinggil sa hinihintay na kanselasyon ng klase at suspensyon sa trabaho, araw ng Lunes, Nobyembre 18.
“Upon consultation with the relevant government agencies and the NDRRMC, cancellation of classes and/or suspension of work in government offices is given to the respective local chief executives, taking into consideration the situation in their respective localities,” ayon kay Sec. Chavez. RNT