Home NATIONWIDE Suspensyon ng lisensya tanggap ni Angkas CEO Royeca

Suspensyon ng lisensya tanggap ni Angkas CEO Royeca

IPINAHAYAG ni Angkasangga Partylist 1st nominee at Angkas CEO George Royeca na rerespetuhin at tatanggapin nito ang anumang desisyon ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO).

Ang nasabing pahayag ay matapos boluntaryong isuko ni Royeca ang kanyang lisensiya kasabay ng pagtitiyak nito na handa niyang harapin ang anumang kahihinatnan at sundin sa nararapat na proseso.

Aniya, habang hinihintay nila ang desisyon ng LTO, nananatili umano silang nakatuon sa buong pananagutan para sa kanilang mga aksyon.

“I am taking full responsibility for what happened. It’s better that it’s my license that would be suspended so that our riders who committed the infraction could still continue their job for them to earn a living for their respective families,” ani Royeca.

Nag-ugat ang pahayag ni Royeca matapos suspendihin ng LTO ang kanyang driver’s license sa loob ng 90 araw.

Ang aksyon ni Royeca ay umani ng papuri mula sa mga netizen at sa mga miyembro ng Angkas riders, partikular na sa mga sangkot sa kontrobersiya sa trapiko sa pag-ako ng responsibilidad para sa kanila. RNT