MANILA, Philippines – Ilulunsad ngayong taon ang pinakabagong ruta mula sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA), sa pamamagitan ng direct flight patungong Ho Chi Minh sa Vietnam.
Ito ang kinumpirma ng airport stakeholders kung saan simula Mayo ay mag-aalok ang MCIA ng direct flight patungong Ho Chi Minh sa pamamagitan ng flag carrier na Philippine Airlines.
Inaasahang magsisimula ito sa Mayo 2 at mag-ooperate tatlong beses isang linggo.
“We welcome PAL’s exciting news with much delight,” pahayag ni Athanasios Titonis, AboitizInfraCapital Cebu Airport Corporation (ACAC) CEO.
“This development is all about providing passengers with wider travel options and more convenience which we totally support,” dagdag pa niya.
Sa ngayon ay may kabuuang 26 direct flights mula MCIA patungong Japan (Osaka, Narita), South Korea (Incheon, Busan), Shanghai (China), at Bangkok via Don Mueang (Thailand).
Ang Cebu-Ho Chi Minh route ang kauna-unahang ruta na magkokonekta sa Cebu at Vietnam. RNT/JGC