Home HOME BANNER STORY SUV driver sa viral road rage, ‘di parak; lisensya suspendido na

SUV driver sa viral road rage, ‘di parak; lisensya suspendido na

MANILA, Philippines – Pinatawan ng Land Transportation Office ng preventive suspension ang SUV driver na nanghihingi ng lisensya ng truck driver sa isang viral road rage na nangyari sa C5 Road sa Taguig City.

Kinumpirma rin ng Philippine National Police na hindi pulis ang nasabing SUV driver.

Sa nasabing bidyo, makikitang nagkatensyon sa pagitan ng SUV driver at ng truck driver, na biglang huminto sa gitna ng C5 Road.

Lumapit ang SUV driver sa truck driver saka hinihingi ang lisensya nito.

“Akin na ang lisensya mo! Akin na ang lisensya mo!” anang SUV driver. “Pulang pula ang mata mo, naka-drugs ka!”

Nagmatigas ang truck driver at hindi naman pumayag na ibigay ang lisensya. Matapos ang insidente ay nagpa-blotter ang truck driver dahil pinagbantaan pa umano ang kanyang buhay na hindi na nakuhanan sa bidyo.

“Yung biktima po roon ay nagpa-blotter about that incident. Ang sinasabi po niya ay nagpakilala na pulis ito at sinasabi na ‘Kukunin ko ang baril ko at babarilin kita’ at ‘alam ko na kung saan ka nakatira,'” ani Police Colonel Jean Fajardo, PIO chief ng Philippine National Police.\

Ayon sa PNP,  na hindi maaaring mangumpiska ng driver’s license ang kung sinu-sino lamang, kundi ang mga opisyal gaya ng Land Transportation Office enforcers, traffic enforcers at deputized police officers.

Posible namang maharap ang SUV driver sa reckless driving, obstruction of traffic, at improper person to operate a motor vehicle na mga reklamo.

Pinagpapaliwanag na ng LTO ang SUV driver. Santi Celario

Previous article8 masahista nasagip, 2 bugaw arestado sa Las Piñas
Next article28,136 alok sa DOLE job fair ngayong Dis. 1