Home METRO SUV shoot sa bangin; 4 babaeng pulis, 3 pa sugatan

SUV shoot sa bangin; 4 babaeng pulis, 3 pa sugatan

MANILA, Philippines- Sugatan ang pitong indibidwal, kabilang ang apat na babaeng pulis at dalawang bata, nang mahulog ang sinasakyan nilang Sports Utility Vehicle sa bangin sa Sitio Talus, Barangay Igmaya-an, Don Salvador Benedicto, Negros Occidental nitong Sabado ng hapon.

Sinabi ni Police Major Ryan Villasario, Don Salvador Benedicto police chief, na patungo ang mga biktima sa bayan mula sa lungsod na ito para sa isang outing.

Nawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver habang papalalapit sa kurbada dahilan upang mahulog ito sa banging may lalim na 40 hanggang 50 metro.

Naligtas naman ang lahat ng pitong pasahero.

Naka-assign ang mga pulis sa Bacolod City Police Office, base kay Villasario. 

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. RNT/SA