Home ENTERTAINMENT Sylvia, emosyunal kay Gela!

Sylvia, emosyunal kay Gela!

Manila, Philippines- Sa Mother’s Day special ng Stars On Stars, ang bagong talkshow na napapanood sa Jeepney TV, nagkaroon ng heart-to-heart talk ang mag-inang Sylvia Sanchez at Gela Atayde.

Isa sa mga naitanong ni Sylvia kay Gela ay kung paano nito ire-rate ang kanyang pagiging nanay base sa pagpapalaki niya sa kanilang magkakapatid.

Agad-agad na 100 percent ang sagot ng youngstar.

“100 doesn’t necessarily mean like you’re perfect. 100 because you give what you can with what you have.

“Kung ano’ng makakaya mo, ibibigay mo all the time. It’s 100 because I see that and I appreciate that,” paliwanag ni Gela.

Natalakay din nila ang pagpasok ng dalaga sa mundo ng showbiz kung saan nabigyan pa sila ng pagkakataon na magkasama sa hit Kapamilya series na “Senior High” na pinagbidahan ni Andrea Brillantes.

Sey ni Sylvia, bukod kina Arjo at Ria na kahit paano’y nakagawa na rin ng sariling pangalan sa showbiz, proud na proud din siya siyempre kay Gela na nagsisimula pa lamang sa kanyang career.

“Ako lang yung nag-open ng door sa ‘yo para makapasok ka. But isipin mo rin na nu’ng hinakbang mo yung paa mo sa industriya, hindi na ako yun, Gela. Ikaw na yun. And I’m so proud of you na pinakita mo na kaya mo,” ang mensahe ni Ibyang kay Gela. Rommel Placente